Mga Kinakailangan ng Maypagawa upang Maabisuhan ang mga Empleyado sa Inspeksyon ng Ahensya ng Imigrasyon
Alinsunod sa seksyon 90.2 (a) ng Batas sa Paggawa, ang mga maypagawa ay kinakailangang magbigay ng paunawa sa mga empleyado ng anumang inspeksyon sa I-9 pormularyo ng Pagsisiyasat sa Pagiging Karapat-dapat sa Trabaho o iba pang mga rekord sa pagtatrabaho ng ahensya ng imigrasyon sa pamamagitan ng pagpapaskil ng paunawa sa loob ng 72 oras matapos matanggap ang abiso ng inspeksyon. Ang Panukalang Batas 450 ng Kapulungan, na nagdagdag ng Seksyon 90.2 (a) ng Batas ng Paggawa, ay nagbabawal sa mga hindi pantay na gawain na may kinalaman sa imigrasyon laban sa tao na gumamit ng mga tinukoy na karapatan.
Ang isang template ng paunawa sa mga empleyado na nagpapaalala sa kanila ng isang inspeksyon ng mga ahensya ng imigrasyon ay makukuha sa pamamagitan ng pagda-download.
Ang mga mapagkukunan ng empleyado sa mga serbisyo ng imigrasyon ay matatagpuan dito.